Kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki matapos silang makumpiskahan ng ilegal na droga sa paggalugad ng mga pulis sa kani-kanilang bahay sa Las Piñas City, nitong Huwebes.

Kinilala ang mga suspek na sina Rolando Andaya, alyas “Roy”, 45; at Victor Mateo, 42, kapwa ng Tabon 2 Jimenez Street, E. Aldana ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni PO3 Marsito Torreon, ng Las Piñas City Police, dakong 3:00 ng hapon nang sinalakay ng mga tauhan ng Special Operations Task Group (SOTG) ang bahay sa Tabon 2 Jimenez Street, armado ng search warrant na inisyu ni Las Piñas City Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Lorna Navarro-Domingo.

Narekober ang 15 plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia mula sa mga suspek, na kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Bella Gamotea)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20