WASHINGTON (Reuters) – Hinirang ng United States si Jeffrey DeLaurentis, ang top diplomat ng Amerika sa Havana, upang maging unang official ambassador to Cuba makalipas ang limang dekada.

“The appointment of an ambassador is a commonsense step forward toward a more normal and productive relationship between our two countries,” pahayag ni President Barack Obama.

Inanunsyo nina Obama at Cuban President Raul Castro ang pagbuti ng relasyon noong Disyembre 2014. Ibinalik ng dalawang bansa ang full diplomatic relations noong Hulyo 2015. Bumisita rin si Obama sa Havana nitong Marso.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture