Sasabak muli ang Philippine football team Azkals sa pares na exhibition game kontra Bahrain at North Korea sa Oktubre.

Pamumunuan nina Kevin Ingreso at Misagh Bahadoran, umiskor ng goal sa matinding panalo ng koponan kontra sa Kyrgyz noong Setyembre 7, ang koponan na binubuo din nina Phil at James Younghusband, Roland Muller, Patrick Deyto, Amani Aguinaldo, Daisuke Sato, Dennis Villanueva, Martin Steuble, Manny Ott, Iain Ramsay, Kenshiro Daniels, Paolo Bugas, Jim Junior Munoz, Fitch Arboleda at Simon Greatwich.

Gayunman, hindi makakasama ang goalkeeper na si Neil Etheridge.

Magbabalik naman si Stephan Schrock, hindi nakalaro sa huling laban ng Azkals gayundin sina Luke Woodland, Mike Ott, OJ Porteria, Nick O’Donnell, Daniel Gadia, at Dominic del Rosario.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon sa PFF, ang dalawang laro ay nakatakda ganap na 3:30 ng gabi bagaman posibleng simulan ang laban sa alas-8 ng gabi “depending on the progress of the installation of the floodlights at Rizal Memorial Stadium.”

Ang 125th-ranked na Azkals ay nasa matinding paghahanda para sa Asean Football Federation (AFF) Suzuki Cup group stage na iho-host ng bansa sa Nobyembre.

Pilit sasandigan ng Pinoy booters ang bentahe sa home field upang makaabante sa finals o mapanalunan ang lahat ng laro para muling makatuntong sa semifinal na nagawa nito sa huling tatlong edisyon. (Angie Oredo)