Inihayag kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may kabuuang 356 na pamilya sa Bulacan ang inilikas dahil sa matinding baha na dulot ng malakas na ulang epekto ng habagat.

Sa isang pahayag, sinabi ng NDRRMC na dahil sa malakas na ulan na dulot ng habagat na pinaigting ng kalalabas lang sa bansa na bagyong ‘Helen’, nalubog sa baha ang mga bayan ng Meycauyan, Marilao at Sta. Maria sa Bulacan.

Ayon sa mga report, apektado ng matinding baha ang 77 pamilya (364 katao) sa dalawang barangay sa Meycauyan, 200 pamilya (800 indibiduwal) sa isang barangay sa Marilao, at 79 na pamilya (395 katao) sa dalawang barangay sa Sta. Maria.

Sa kabuuan, nasa 356 na pamilya o 1,559 na katao ang naapektuhan ng baha at tumutuloy ngayon sa anim na evacuation center, habang inaayudahan ng Bulacan Provincial Disaster Regional Management Office (PDRMO). (Francis T. Wakefield0

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar