SA October 25 at 26 gaganapin ang pinakahihintay na international competition na pinamagatang “20th Hair Olympics” na may temang Beauty Showdown in Manila ng Asia Pacific Hairdressers and Cosmetologists Association o APHCA.

Ipapakita ng premyadong beautician at host na si Ricky Reyes ang kanilang paghahanda para sa naturang event.

Mula sa venue ng event sa SMX MOA hanggang sa mga pagkaing Pinoy na ihahanda para sa mga dignitaryo at bisita mula sa ibang bansa kasama ang mga kababayan natin at mga kalahok ay ilalahad ngayong Sabado.

Kukumustahin din ang Pinoy winners sa nakaraang edisyon ng patimpalak na sina Jason Hisola, Ruby Valderrama at Racquel Pangilagan. Ibabahagi nila ang kanilang mga naging karanasan sa pagsabak sa naturang kompetisyon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Magpapasilip din ang Hall of Fame winners na sina Stephanie Ilagan at Jacky Rivera naman na panlaban ng Team Pilipinas para sa international hair and make-up segment ng kanilang mga paghahanda sa pakikipaglaban nila sa magagaling na katunggali mula sa ibang bansa.

Para sa mga problema naman sa buhok na kinky, ang sagot ay ang Regold ng GRR Salons. Soft Wave Treatment, nagiging maganda, bouncy at malambot ang dull hair kapag ginagamitan nito. At para naman sa mga kulang na sa buhok, ang natural wigs ni Mother Ricky ang magpapabalik ng kompiyansa sa sarili.

Sa mga gustong umasenso sa buhay, nariyan ang Ricky Reyes Learning Institute na tutulong para mabigyan kayo ng maayos at magandang kinabukasan.

Ibabahagi naman ng herbalist na si Fely Guy Ong ang mga tamang inumin para sa kalusugan ng ating mga katawan. Ang Krystall Oil, Krystall Eye Drop at Krystall Cream na hango mula sa natural ingredients ay ilan lamang sa mga nagawa niyang gamot na mabisa sa maraming karamdaman.

Tutukan ang Gandang Ricky Reyes Todo na Toh ngayong Sabado, October 1, 9-10 AM sa GMA News TV.