ATLANTA (AP) — Dalawang titulo sa isang ratsada sa playoff.

At sa pagtatapos ng Tour Championship, tinanghal na pinakamayamang golfer si Rory McIlroy.

Nakopo ni McIlroy ang Tour Championship via playoff, gayundin ang FedEx Cup title nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Naisalpak ni McIlroy ang pitching shot sa layong 137 yarda para sa ‘eagle’ tungo sa 6-under 64 at makahirit sa three-way playoff.

Pamangkin ni Hidilyn Diaz, unang atletang sumungkit ng ginto sa weightlifting sa Palarong Pambansa

“I knew I was right back in the golf tournament,” aniya.

Sa ikaapat na playoff holes sa No. 16, naisalpak ni Ryan Moore ang par putt sa layong 15 talampakan, ngunit nahigitan ito ni McIlroy sa naiskor na birdie sa parehong layo para makopo ang huling major championship at ang Fedex Cup title na kasama nito.

“Just to see that ball drop, and everything that’s come together for me this year ... to pull it off was really special,” pahayag ni McIlroy.

Naisubi niya ang US$11.53 milyon -- US$10 milyon sa FedEx Cup bonus at US$1.53 milyon premyo sa Tour Championship.