Dinugtungan ang reigning two-time girls champion National University ang dominasyon sa University of Santo Tomas sa naitarak na 25-10, 25-10, 22-25, 25-17 panalo sa rematch ng nakalipas na Finals sa UAAP Season 79 high school volleyball tournament kahapon sa Adamson University gym.

Matikas na galaw ng Bullpups, sa pangunguna nina skipper Joyme Cagande, Faith Nisperos, at Thea Gagate, habang nagkalat ng husto ang Junior Tigresses na bigong madala sa kaayusan ni reigning MVP Eya Laure.

Nanatiling malinis ang karta ng NU sa 4-0 kasosyo ang De La Salle-Zobel, nagwagi kontra Adamson University, 25-17, 25-19, 25-16, sa liderato.

Bagsak ang UST, namayani sa University of the East, 25-18, 25-15, 25-22, nitong Sabado, sa 3-1.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Nakabawi ang Baby Falcons mula sa straight set na kabiguan sa Junior Lady Spikers sa naitalang 25-22, 20-25, 25-20, 23-25, 15-13 panalo kontra Far Eastern University-Diliman, habang kumubra ang Junior Warriors sa 25-12, 25-18, 25-14 panalo sa UP Integrated School.

Nakuha ng Baby Tamaraws, nagwagi sa Junior Maroons, 25-12, 25-15, 25-11, nitong Sabado sa 2-3 karta, habang magkasosyo ang Adamson University at UE sa 1-3, at bokya pa rin ang UPIS sa limang laro.

Sa boys division, nagwagi ang titleholder NU kontra De La Salle-Zobel, 25-7, 25-19, 25-14, namayani ang UE sa EU-Diliman, 25-12, 25-18, at sinalanta ng UST ang UPIS, 25-15, 25-13, 25-16.