BILANG pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-116 na anibersaryo ng Civil Service Commission (CSC) ngayong Setyembre, naglunsad ng masasayang programa ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo. Ang tema ng pagdiriwang: “Sigaw ng Lingkod Bayani: Malasakit sa Taumbayan, Kapwa Kawani at Kalikasan”.

Ayon kay Antipolo City Mayor Jun Ynares, ang buwan ng Civil Service ay pagpapakita natin ng kahalagahan at pasaslamat sa ating mga kawani na responsable at matuwid na lingkod-bayan. Nais po nating mabigyan ng kasiyahan ang ating mga kapwa lingkod-bayan kaya naghanda po tayo ng mga programang masaya at makabuluhan na sinalihan ng lahat.

Bilang panimula ng isang buwang selebrasyon na tumatalakay sa malasakit ng mga kapwa kawani, naglunsad ng Zumba sa Monday flag raising ceremony sa Sumulong Park. Ito ay nilahukan ng 100 city employee at ginagawa tuwing Martes at Huwebes. Nagkaroon din ng Taebo tuwing Miyerkules sa Sumulong Park at sa Antipolo City hall. Ang dalawang aktibidad ay gagawin hanggang Disyembre. Naging bida rin ang mga kawani na mahilig at masarap magluto sa ginawang cooking contest nitong Setyembre 14 sa Sumulong Park. Ginawaran ng pagkilala ang mga kawani na may pinakamaganda at malikhaing kuha ng larawan sa inilunsad na Photo Essay Contest na sumunod sa tema ng Civil Service Month. Naghandog naman ng libreng gupit ang pamahalaang lungsod nitong Setyembre 15-16. Nagtagisan din ng galing ang mga empleyado sa mga larong luksong baka at hampas-palayok sa Employees’ One Fun Day. At noong Setyembre 20, naging bahagi rin ng pagdiriwang ang medical-dental check up at blood typing.

Sinimulan naman ang Basketball at Volleyball Tournament kahapon, Setyembre 24. Ang tournament ay matatapos sa Nobyembre. Naging makulay at masaya ang city hall compound sa isang bazaar na nilahukan ng iba’t ibang departamento ng pamahalaang lungsod. At pagsunod din sa tema na may pagmamalasakit sa kalikasan, ipinatupad ng lokal na pamahalaan ang Clean up Campaign tuwing Biyernes nitong Setyembre, ang bawat opisina ay naglilinis ng mga bangketa at kalsada sa Poblacion upang bigyang-pansin ang kalinisan ng lungsod. Nagkaroon din ng Urban Gardening Seminar upang hikayatin ang mga empleyado ng city hall na magtanim ng mga gulay sa kanilang mga bakuran.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kaugnay ng 4th Antipolo Tourism Fair, naglunsad din ang pamahalaang lungsod ng mga programa. Ginanap sa Robinson’s Place nitong Setyembre 22-25. Ang tema, “A Journey on the City of the Mountain. Naging bahagi ng 4th Antipolo Tourism Fair ang mga seminar, cultural show ng Hiyas Dance Troupe ng University of Rizal System (URS) at ng mga mag-aaral ng San Jose National High School at ang musical extravaganza ng Antipolo City Band. Tampok din ang pagtatanghal-sining o art display, mga patimpalak at tugtugan. Layunin ng Tourism Fair na mapalakas at mapaunlad pa ang turismo sa lungsod sa paraan ng pagpapakita ng sining at kultura.

Naniniwala si Antipolo City Mayor Jun Ynares na ang turismo ang isa sa mga haligi ng pamahalang lokal sa pagtataguyod ng maunlad na pamayanan. Kaya ang kanyang paanyaya: “Tayo na sa Antipolo”. (Clemen Bautista)