rufa-mae-copy-copy

ANG pagiging sexy star marahil ang isa sa mabigat na dahilan kung bakit hindi nauwi sa kasalan ang mga relasyon noon ni Rufa Mae Quinto.

Sa one-on-one interview sa kanya sa Tonight With Boy Abunda, tinanong siya ng King of Talk kung paano niya nalaman na si Trevor Magallanes, isang financial analyst sa Amerika, na ang lalaki para sa kanya.

“Because everything I say, he understands, wala nang maraming kiyaw-kiyaw, atsutsutsu. Smooth lang kami,” sagot ni Rufa Mae.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Follow-up question ni Kuya Boy, sa past relationships ba niya hindi siya naunawaan kaya hindi niya nakatuluyan?

“Hindi ko nga alam, eh. Ito (Trevor) nga, English (speaking) pa, ha-ha. Tinginan na lang nagkakaintindihan na kami, kaya mabilis nga ang mga pangyayari kasi wala nang masyadong explanation.

“Hindi katulad ng iba na halos pilitin mo na, hindi pa rin naiintindihan. Dahil ba sa kabaklaan ko, sa ka-chuvaness ko, kaya hindi nila ako naiintindihan? ‘Yun pala, ayaw talaga nila akong intindihin.

“So ngayon, may isang taong naintindihan ako, kahit konti-konti lang sinasabi ko at sabi ko nga, tinginan lang nagkakaintindihan na kami,” ani Rufa Mae.

Pitong buwan na ang relasyon nina Rufa Mae at Trevor at ikakasal na sila sa Nobyembre.

“Lucky number 7, ha-ha,” natawang sabi ni Rufa Mae at idinaan pa sa biro na siya ang nag-propose kay Trevor. “I want a civil wedding because I’m not from here, ‘tapos sagot niya, ‘when?’ Through text, ha, mga 10 AM.”

Nang una raw silang magkita ay hindi pinansin ni Rufa Mae si Trevor.

“May spark kaagad, pero hindi ko siya pinansin pa, may hang-up pa ako kasi isip ko, ‘ay, guwapo ito, baka bumigay lang ako, so dedma.’ ‘Tapos nag-text pa rin na ini-invite niya, sabi ko, invite me tomorrow because I’m leaving on Sunday (sumunod na araw). Sabi niya, ‘okay’.”

Ayon sa sexy comedienne ay pabalik-balik siya sa Amerika na hindi niya alam kung bakit.

“Basta balik-balik ako, hindi ko alam, ‘tapos siguro nga, kasi makikilala ko siya.”

Pero sa tingin ni Rufa Mae, natagalan siyang makahanap ng tamang lalaki dahil mas inuna niya ang pamilya niya bago ang kanyang pansariling kaligayahan.

“Medyo natagalan kong naisip ang marriage, ha-ha-ha, pero at least na-realiaze ko, I got there, di ba? Sabi nga nila, ‘O, kumusta ka naman ngayon?’ Sabi ko, ‘Ito, inaayos ko naman ‘yung portion ng buhay ko’,” bungisngis na sabi ni Rufa.

Para sa pamilya, naging all-around entertainer ang soon-to-be-mom na nasubukan na yata lahat mula sa pagiging aktres, sexy star, TV host, comedy actress, concert artist, at producer.

Sa mahabang panahon ay napanatili ni Rufa Mae ang maganda at kaakit-akit niyang katawan, kaya sinabi ni Kuya Boy na fifteen years ago ay hindi niya na-imagine na mabubuntis ang dating alaga na sobrang conscious sa katawan.

“Oo, sobrang selfie nga ako nang selfie para makita ko ang katawan. Lahat kasi ng ginagawa ko, gusto ko todo na, hindi half-half, lahat tinahak ko ang landas,” pag-amin ni Rufa Mae.

Sa bagong takbo ng buhay ni Rufa Mae, ang tanong ng TWBA, may bagay pa ba siyang gusto na hindi niya nagawa?

“Actually, parang wala, kasi lahat naman nagawa ko sa larangan ng career, lahat naman nagawa ko at kaya kong balikan.

Pero ngayon, personal na buhay ko naman ang tinututukan ko,” sagot ng aktres.

Nakakatuwa kasi habang nasa harap ng kamera si Rufa Mae ay nanonood naman sa audience ang lalaking mapapangasawa niya at kitang-kitang proud ito sa future wife na kinukunan pa niya ng litrato.

Wagas ang kaligayahang nadarama ngayon ni Rufa Mae.

“Sobra, solong-solo ko na ang kaligayahan ko at maibibigay ko ito sa magiging anak ko, walang harang dahil sa ibang tao, family or kung anu-ano. Ngayon talagang para sa kanya (anak) lang.”

Kinumusta ni Kuya Boy ang pagbubuntis niya.

“Okay naman, parang wala lang, matakaw lang akong kumain, medyo high risk na, required akong bed rest kaso tataba naman ako ‘pag laging nakahiga at maraming mararamdaman kapag nakaupo.

“Saka gusto na rin niyang (anak) mag-guesting para ma-meet ka raw niya,” tumawang sabi.

Magre-retire na ba sa showbiz si Rufa Mae?

“Hindi, break lang at saka maternity leave,” sagot na ikinatawa ng lahat sa studio. “Kung baka hangga’t kaya, bakit naman ako tatanggi, kasi ito ang buhay ko, showbiz. At saka nandito lang naman ako sa Maynila kasi nga hindi ako maka-fly. Kaya sabi ko, kung ganitong very light (biyahe), okay lang.”

Mas riot at tawa nang tawa ang mga tao sa studio, pati na si Trevor, sa fast talk portion.

Paboritong bahagi ng bahay: “Bed.”

Paboritong expression: “Todo na ‘to.”

Paboritong holiday: “Christmas.”

Favorite dessert: “Strawberry cake.”

Paboritong leading man: “Si Robin Padilla na lang.”

Intriga tungkol sa ‘yo na naloka ka talaga: “’Yung nagkaroon ako ng mga pasa-pasa.”

One thing you’ll miss being single: “’Yung sleeping by myself, ha-ha!”

Ugali ni Trevor na gusto mong manahin ng anak mo: “’Yung confident.”

Bagay na pinagdaanan mo na ayaw mong pagdaanan ng anak mo: “Eh, ayokong wala siyang guidance.”

Oo o hindi, takot ka bang malaos? “Hindi.”

Kung ulam si Trevor, ano siya? “Hotdog! Ay, sausage na lang o sige beef steak o angus.”

Ex-boyfriend mong imbitado sa kasal mo? “Wala pa, saka nahiya akong mag-imbita, saka baka may, ha-ha-ha… ‘buti na lang Tagalog.

“Oo nga,” natawang sabi ni Kuya Boy, “‘wag na tayong gumawa pa ng… (gulo), nandito (taas), baba, pa.”

Lights on or lights off? “Lights on.”

Is it sex or chocolates? “Sex. Hindi ako mahilig sa ano (chocolate).”

Best time for sex: “In the middle of the night, ha-ha-ha.” (Reggee Bonoan)