bimby-kris-at-josh-copy

NAKABALIK na sina Kris Aquino at mga anak na sina Josh at Bimby from their 10-day vacation sa Japan at sa Hong Kong.

Breath of fresh air ang caption niya sa picture na kuha sa bandang Bonifacio Global City na maraming puno at kita rin ang skyline ng Makati mula sa palapag na eroplano:

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“I love our country... I will always have faith in the goodness of the Filipino. ❤️ #Home”

Obvious na na-miss si Kris ng followers niya dahil napakabilis umabot sa thousands ang likes ng bawat bagong update at post niya.

Mukhang hindi pa magti-taping si Kris ng bago niyang show under APT Entertainment dahil sabi niya, ang first work niya sa kanyang pagbabalik ay hindi entertainment related.

“Word mode starting tomorrow (Friday) (no, not entertainment related work yet -- my entrepreneurial side first. I have a collaboration with @kamiseta for the holiday season & we’re opening Potato Corner +Nacho Bimby in Eastwood Mall in a couple of weeks. Thank you to my nephew @jiggycruz for taking on the load to run all my non entertainment related businesses for me.)”

Dahil nasa bansa na si Kris at active na uli sa Instagram (IG), active rin ang kanyang bashers na wala nang ginawa kundi ipaalala sa kanya na ia-unfollow siya sa social media dahil wala na siya sa ABS-CBN.

Pero the last time we checked, nadagdagan pa nga ang followers niya dahil from 2.7M, ngayon ay may 2.8M followers na siya. (NITZ MIRALLES)