john-lloyd-copy-copy

SAYANG at wala si John Lloyd Cruz sa presscon ng Ang Babaeng Humayo, nakapagkuwento pa sana siya kung bakit siya naging emotional at nakita pang umiyak habang tinatanggap ni Direk Lav Diaz ang award sa pagkakapanalo ng kanilang pelikula ng Golden Lion Award sa 73rd Venice International Film Fest Award.

Nang matanong tungkol sa reaction niya, ang sagot ni John Lloyd, “It was a defining moment for Philippine cinema... talagang proud na proud ako para kay Lav.”

Second time na ni John Lloyd na makatrabaho si Lav na naging director din niya sa Hele Sa Hiwagang Hapis kasama si Piolo Pascual. Nanalo rin ang naturang pelikula ng Silver Bear award sa 2016 Berlin International Film Festival.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Mapapanood na ang Ang Babaeng Humayo simula sa September 28, sa 40 theaters at sana ay madagdagan pa para mas marami ang makapanood. (Nitz Miralles)