bianca-miguel-url-copy-copy

LIMANG taon nang laging magkasama sa projects sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Nagsimula sila sa Paroa, nasundan ng Basang Sisiw, at hanggang sa maging bida sa projects, pinakahuli ang Wish I May at ngayon sa first-ever interactive rom-com series na Usapang Real Love (URL).”

Itatampok sina Miguel at Bianca sa first episode ng mini-series titled “Dream Date” with Jak Roberto as their third wheel, sa direksiyon ni Real Florido, mapapanood every Sunday, 5:00 PM sa GMA-7.

Iniimbitahan ng URL ang netizens na abangan ang video challenge na ipo-post sa Facebook page ng Usapang Real Love at puwede silang magpadala ng kanilang video sa Twitter o Instagram at i-tag ang @UsapangRealLove at lagyan ng hashtag na #MapaFANSin.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Ang mapipiling video entry ay isasama sa episode at mapapanood sa TV.

May pressure ba kina Miguel at Bianca na sila ang unang love team na napili para magbida sa pilot episode?

“May pressure po at challenge sa amin,” sagot nina Miguel at Bianca. “Pero masaya po kami na kami ang napili sa first episode. Sana po ay magustuhan ng mga fans namin ang love story namin na ‘Dream Date’ pero naging ‘datesaster’ but with a twist. Romantic-comedy po talaga at nag-enjoy kaming gawin ito.”

Sa limang taong pakikipagtrabaho sa isa’t isa, naging close at nakilala na nila ang isa’t isa, kaya natanong ang dalawa kung ano ang mangyayari kapag pinaghiwalay sila bilang magka-love team?

“Ayaw naming isipin,” sagot ni Bianca. “Nakakalungkot po naman, kasi ang taas na ng friendship namin, para na pong condominium, ‘tapos biglang ibababa.”

“Hindi po namin iniisip,” sagot din ni Miguel. “Kasi ever since po kami na ang magkasama, walang lakad ang family namin na hindi kami magkasama. We make it a point na every Sunday, kung may lakad ang family, kasama namin si Bianca.”

So, ano na ang level ng pagiging magka-love team nilang dalawa?

“Wala pong level, masaya kami kapag magkasama, nagkakaintindihan kami sa lahat ng bagay.”

Wala pang balak si Miguel na ligawan si Bianca bagamat 18 years old na siya noong birthday niya (na napasabay sa presscon ng URL last Wednesday, September 21), dahil 16 pa lamang si Bianca.

“Siguro po kapag 18 na siya at ako naman, 20 or 21 na, para po mas mature na kaming dalawa. Basta we care for each other lamang kami ngayon.”

Paano kung may ibang manligaw kay Bianca?

“Siyempre po manghihinayang ako, pero may tiwala po ako kay Bianca na hindi siya magpapaligaw sa iba dahil bata pa siya. Nakakatawa nga ang mga fans namin dahil kapag may na-link sa kanya, bina-bash nila dahil nagseselos sila para sa akin.”

Hmmm, parang may alam kaming ganyang love team! Anyway, sa Linggo na po, September 25, at 5:00 PM, mapapanood ang “Dream Date” nina Miguel at Bianca. (NORA CALDERON)