fanny-copy-copy

KUMPIRMADONG na-stroke si Fanny Serrano at nagbigay ng pahayag kahapon ang kanyang secretary tungkol dito.

Napabalitang nagkaroon ng mild stroke ang makeup guru at naapektuhan ang motor skills niya at under observation siya sa Philippine Heart Center.

Ipinost sa Instagram ng malapit na kaibigan ni Fanny, ang fashion designer na si Frederick Peralta, ang mensahe ng secretary ni Fanny na nagsabing may blood clot sa puso ang makeup artist na naging dahilan kaya nagka-stroke siya.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Tumataas din ang kanyang blood sugar na maaaring sanhi ng stress, pag-aalala at kawalan ng pahinga.

Sumailalim na sa angioplasty at heart surgery si Fanny ilang taon na ang nakararaan.

Pero kahapon daw ay nagpapagaling na si Fanny at nag-normalize na ang pagsasalita.

Humihingi rin ng dasal ang iba pang kaibigan sa showbiz ni Fanny para sa kanyang mabilis na paggaling. (Ador Saluta)