Inihayag kahapon ng Department of Justice (DoJ) na iniutos ng isang korte sa Manila na ibalik na sa Bangladeshi government ang ninakaw na $15 million na isinauli ng Chinese casino junket operator na si Kim Wong.

Sinabi ni DoJ Chief State Counsel Ricardo Paras III na natanggap ng kanyang opisina nitong Lunes ang kopya ng kautusan Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 53 na nagdedeklara na ang nasabing halaga ay pagmamay-ari ng gobyerno ng Bangladesh.

“The court declared them to be the rightful owner of the said amounts and, thereafter, it said that it ordered the release of these amount which is held in the vault of the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP),” aniya sa mamamahayag kahapon.

Ipinaliwanag ni Paras na kinatawan ng kanyang opisina ang Bangladesh sa korte matapos hilingin ng Bangladeshi government ang legal assistance ng DoJ sa ilalim ng United Nations Convention on Transnational Organized Crime.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Ang halaga ay bahagi ng $81 million na ninakaw ng mga hacker mula sa kaban ng Bangladeshi nitong unang bahagi ng taon at kalaunan ay ipinasok sa mga pekeng accounts sa Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) at Philippine Remittance Corporation (Philrem). Inilipat ang mga pondo kalaunan kay Wong at sa high-roller casino players mula sa Macau at China.

Matapos ang imbestigasyon ng Senado, ibinalik ni Wong ang $15 million.

Sa kautusan na may petsang Setyembre 16 nagpasya ang Executive Judge Reynaldo Alhambra ng RTC Branch 53 na ang perang isinauli ni Wong at nakatago sa vault ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ” be released in favor of the People’s Republic of Bangladesh.”