Tinanggap na ni dating Makati City Rep. Teodoro Locsin Jr. na maging kinatawan ng bansa sa United Nations (UN).
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, si Locsin ay inalok ng Pangulo para maging permanent representative ng bansa sa UN.
“The former Congressman Teddy Boy Locsin and I were in touch again last night and he said they indeed met at Bahay Parangap. Cong. Locsin said he accepted the position as UN Ambassador,”ani Andanar.
Papalitan ni Locsin sa posisyon si Lourdes Ortiz Yparraguirre.
Si Locsin ay naging kongresista ng Makati City mula 2001 hanggang 2010.
Naging spokesman at speechwriter ito ni dating Pangulong Corazon Aquino. Naging publisher din ng Today newspaper at ngayon ay host ng ‘Teditorial’ segment ng ANC’s World Tonight at ‘No Filter’ program. - Genalyn Kabiling