2-copy

NAPUNO ng ElNella o SamVin supporters ang Kia Theater noong Biyernes ng gabi sa ginanap na Born For You Live! The Concert Finale at nakabibingi ang hiyawan nila habang hawak ang red strings at kinakanta nina Elmo Magalona at Janella Salvador ang theme song ng teleserye nilang Born For You, sabay pakita sa background ang mga lugar na napuntahan nila sa Japan at ilang magagandang lugar sa London.

Patok na patok pala sa audience ang ganitong live ending.

Bago ang live finale ay nagkaroon ng program sa loob ng Kia Theater, kumanta ang ilang cast member bilang bonus para sa mga sumubaybay sa Born For You serye sa loob ng isang season.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Labis-labis ang pasasalamat ng buong cast sa pangunguna nina Mr. Freddie Webb, Ms. Gina Pareño, Smokey Manaloto, Ayen Munji-Laurel, Francis Magundayao, Katya Santos, Jimboy Martin, Ariel Rivera, Joj Agpangan, Vina Morales, Ogie Diaz, Elmo, Janella at iba pa sa mga taong dumalo sa kanilang live finale.

Nakakabitin ang live acting na ginawa nina Janella, Elmo, Ayen, Ariel, Vina, Ogie at Freddie dahil konti lang ang ipinakita. Habang kumakanta si Sam sa kunwari’y concert niya, siyang dating naman nina Marge, Ralph at Desmond para pigilan ang show ng dalaga.

Nilait-lait ni Marge si Sam at ang kinakanta niya na pag-aari ng recording label nito dahil sinulat ng anak niyang si Kevin na dumating din sa concert para ipagtanggol si Sam.

Nagulat din sina Mike at Cathy at to the rescue sila kay Sam na tinatalakan ni Marge sa harap ng maraming tao.

Pero tawa kami nang tawa sa live ending dahil habang tumatalak si Marge kay Sam ay panay naman ang boo sa kanya ng audience na ikina-react ng mama ni Kevin. ‘Kaaliw dahil pati audience, tinarayan, ha-ha!

Pakiramdam namin ay hindi madali ang live acting na ginawa ng major cast dahil nakikita at naririnig nila ang audience na nagre-react habang umaarte sila. Pero ang gagaling ng mga artistang ito dahil hindi sila nadi-distract, huh!

Ang ganda rin ng production design ng stage dahil parang nasa Japan talaga na may mga cherry blossoms pa at kitang-kita ang Mt. Fuji. (Reggee Bonoan)