Inilipat na ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) sa Camp Aguinaldo ang mga high profile inmate na nakakulong sa New Bilibid Prisons (NBP) na tetestigo laban kay Senator Leila de Lima.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, kahapon inilipat ang mga inmate sa Camp Aguinaldo.
May banta umano sa buhay ang mga inmate kaya hiniling ng mga ito na mailipat ng pasilidad.
Sensitibo raw kasi ang pakakawalang impormasyon ng mga nasabing inmate na magpapatunay na mayroon talagang illegal drug trade sa loob ng NBP.
Nilinaw pa ni Aguirre na ang pagtestigo ng mga inmate ay walang kapalit na pera o anumang pabor. (Beth Camia)