Nanatiling magkasosyo sa ikalawang puwesto ang Arellano University at CSB-La Salle Greenhills matapos mabigo sa magkahiwalay na laro sa NCAA Season 92 juniors basketball tournament kahapon sa San Juan Arena.

Patas pa rin sa barahang 13-3 ang Junior Blazers at Braves makaraang matalo kahapon, ang una sa kamay ng defending champion San Beda ,82-85 dahil sa kabayanihan ni Evan Nelle at ang huli sa kamay ng Red Robins, 71-84.

Nagposte si Nelle, finals MVP ng Season 78 ng 27 puntos, kabilang ang 11 sa fourth period kabilang na ang winning basket bukod sa tatlong rebound, apat na assist at dalawang steal.

Dahil sa panalo, umangat ang Red Cubs sa 16-1 marka.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagposte naman ng 20 puntos si Joshua Marcos na nanguna sa Junior Blazers.

Umiskor naman ng game-high 28 puntos si reigning MVP Michael Enriquez upang pangunahan ang Red Robins kontra Braves.

Dahil sa panalo, possible pang makahabol sa No.2 ang Mapua sa Final Four tangan ang 12-3 karta. (Marivic Awitan)