jake-vargas-5-copy-copy

ROLE ni William Martinez sa pelikula ang gagampanan ni Jake Vargas sa bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na Oh, My Mama na magpa-pilot sa September 19, pagkatapos ng Eat Bulaga. 

Kaya masasabing si Jake ang leading man ni Inah de Belen.

Sa presscon, panay ang pasasalamat ni Jake sa bagong project na ibinigay sa kanya ng Kapuso Network at nangakong gagawin ang kanyang best para magampanan ang role ni Julio.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sila ni Inah ang magsisilbing ama at ina ng mga batang kinidnap ng sindikato at ginagamit para magpalimos.

Ang GMA Artist Center na ang nagpapalakad sa career ni Jake simula nang pumanaw ang manager niyang si German Moreno and in fairness, hindi siya pinababayaan. Nasa Pepito Manaloto pa rin si Jake at kabilang sa Kapuso talents na magko-concert sa September 23 sa Music Museum billed Oh, Boy!

“Challenging sa akin ang role ni Julio na mayabang at maangas at ang ginawa ko, tinitingnan ko ang mga naglalakad na maangas, mga kanto boy at kinakausap ko sila bilang paghahanda sa ginagampanan kong role. Good luck na lang sa akin, pero I’ll do my best,” pangako ni Jake.

Dahil nabanggit ni Jake na single siya at ganu’n din si Inah, tinanong siya ng press people kung liligawan ba niya ang dalaga?

“Si Inah ay maganda at mapagmahal sa family, kaya lang, narito kami para magtrabaho at ang focus namin ngayon ay ang Oh, My Mama at magawa nang maayos ang trabaho namin,” sagot ng binata. (Nitz Miralles)