TULAD ng ibang bansa sa Central America, ipinagdiriwang ng Nicaragua ang Araw ng Kalayaan sa Spain tuwing Setyembre 15 taon-taun. Sinisimulan ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ng Nicaragua sa inagurasyon tuwing Setyembre 1, na ginaganap sa Central American Patrimonial Festivities. Sinusundan ito ng pagbubuhat ng sulo mula Guatemala patungong Honduras, El Salvador, at Nicaragua, na susundan ng folkloric presentation. Sa sumunod na araw, magpapalit ang may hawak ng sulo sa southern border na ipapasa ng Nicaraguan sa Costa Rican Ministers of Education.

Tuwing Setyembre 15, binabasa sa lahat ng mga paaralan sa Nicaragua ang Act of Independence ng Central America.

Ayon sa isang source, ang salitang “Nicaragua” ay halaw mula sa Spanish colonist na si Nicarao, ang hepe ng pinakamataong tribo noong panahong iyon. Ito ay matatagpuan sa gitna ng Central America, sa pagitan ng Costa Rica sa timog at Honduras at El Salvador sa hilaga. Ang Managua ang kabisera at pinakamalaking lungsod sa Nicaragua.

Maraming kaaya-ayang tanawin sa Managua, kabilang na rito ang La Plaza de la Revolucion (Plaza of the Revolution), na pinakamatandang historical center sa Managua, kung saan nakatayo ang Catedral de Santiago (Old Cathedral), ang National Palace of Culture, at ang Ruben Dario National Theater na ngayon ay nagsisilbing pinakamahalagang teatro para sa mga pagtatanghal at konsiyerto. Tampok sa Museo Huellas de Acahualinca ang mga bakas ng paa ng mga ninuno na libu-libong taon na ang nakalilipas sa hangganan ng Lake Managua. At ang Tiscapa Lagoon na may cultural at historical exhibit.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Miyembro ng Central America Security Commission (CSC), malaki ang ginampanan ng Nicaragua sa pagsusulong sa regional demilitarization at pagsasaayos ng sigalot sa pagitan ng mga estado sa rehiyon. Nananatiling may Consulate office ang Nicaragua sa Maynila, habang may Consulate General Office ang Pilipinas sa Managua.

Binabati namin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Republika ng Nicaragua, sa pangunguna ni Pangulong Daniel Ortega, sa kanilang pagdiriwang ng ika-195 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.