Inaasahan ng Department of Health (DoH) na 7,000 lang sa 700,000 drug surrenderer ang nangangailangan ng treatment sa mga rehabilitation center.

“About 90 to 95 percent of the surrenderers will actually fall in the community-based rehab; and about two to three percent of them are outpatient; and about one to two percent are in the residential rehabilitation program,” sabi ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial.

Ipinaliwanag ni Ubial na ang mga itinuturing na nasa “complicated or advanced” na uri lang ng drug dependence ang ipinapasok sa residential program. Sa kabilang banda, ang mga kabilang sa community-based rehabilitation ay silang maaari nang gabayan ng mga opisyal ng barangay at social workers, dahil sila ay “experimental users” pa lamang.

Mayroon ding out-patient, na kinabibilangan ng mga inirekomendang magtungo sa primary healthcare professionals pero hindi na kailangang ipasok sa rehabilitation facilities.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Dahil sa malaking bilang ng mga sumuko, sinabi ng health chief na minamadali na nila ang pagsasanay sa mga health professional.

Idinagdag din ni Ubial na sa Nobyembre ay maaari nang pasinayahan ang Mega Drug Treatment and Rehabilitation Center sa Nueva Ecija. (Charina Clarisse L. Echaluce)