GENEVA (AP) — Nakuha mula sa record ng World Anti-Doping Agency (WADA) at inilagay sa online nitong Martes (Miyerkules sa Manila) ang ‘confidential’ medical data nina Rio Olympics gymnasts gold medalist Simone Biles, seven-time Grand Slam champion Venus Williams at iba pang babaeng atleta ng United States.
Batay sa ulat ng WADA, na-hacked ng nagpakilalang ‘Fancy Bears’, isang noturyus na Russian cyber espionage group, ang kanilang database.
Nakasaad sa record na “Therapeutic Use Exemptions” (TUEs) ang mga naturang atleta ng Amerika dahil pinapayagan silang gumamit ng ipinagbabawal na gamot dahil sa kanilang karamdaman.
Sa opisyal na pahayag ni Williams, nagwagi ng silver medal sa mixed doubles event sa Rio Olympics nitong Agosto, pinayagan siyang malagay sa TUEs “when serious medical conditions have occurred,”.
Iginiit niyang ang pagbibigay ng exemptions na dumaan sa proseso, kabilang ang pagsusuri ng independent group ng mga mangagamot.
Aniya, nasuri siya noong 2011 na nagtataglay ng Sjogren’s syndrome, isang ‘energy-sapping disease’.
“I was disappointed to learn today that my private, medical data has been compromised by hackers and published without my permission,” pahayag ni Williams.
“I have followed the rules established under the Tennis Anti-Doping Program in applying for, and being granted, ‘therapeutic use exemption.’”
Kabilang din sa pinangalanan na nasa ilalim ng TUE si women’s basketball gold medalist Elena Delle Donne, sumailalim sa operasyon sa kanang hinlalaki nitong Martes.
Iginiit niya sa kanyang Twitter na aprubado ng WADA ang mga gamot na kanyang ginamit.
Ipinahayag naman ng USA Gymnastics na dumaan sa proseso si Biles — nagwagi ng limang medalya, tampok ang apat na ginto sa Rio – para sa kanyang paggamit ng gamot para sa kanyang ADHD.
“Please know I believe in clean sport, have always followed the rules, and will continue to do so as fair play is critical to sport and is very important to me,” sambit ni Biles.
Nauna nang pinaalalahanan ng WADA ang publiko hingil sa ‘cyber attack’ na aniya’y magiging ganti sa naging desisyon ng ahensiya na suspindihin ang karamihan sa mga atleta ng Russia sa Olympics.
“These criminal acts are greatly compromising the effort by the global anti-doping community to re-establish trust in Russia,” pahayag ni WADA director general Olivier Niggli.