Nahaharap si dating Presidente Benigno Aquino III at si dating Finance Secretary Cesar Purisima sa P100-billion graft at smuggling charges sa Office of the Ombudsman, dahil sa umano’y maraming taon na pagpapahintulot sa Pilipinas Shell Petroleum Corporation (PSPC) na mag-angkat ng unleaded gasoline na hindi nagbabayad ng excise at value-added taxes.

Ayon sa mga nagsampa ng reklamo, hindi wasto ang deklarasyon ng Shell sa importasyon ng catalytic cracked gasoline (CCG), light catalytic cracked gasoline (LCCG) at kalaunan ay “alkylate,” ang chemical blending component sa paggawa ng produktong gasolina na hindi sakop ng internal revenue taxes.

Ang buwis ay kinokolekta ng Bureau of Customs para sa Bureau of Internal Revenue.

Sa 15-pahinang reklamo na magkakasamang isinampa nina dating Customs Commissioner Napoleon Morales, dating Batangas Customs Collector Juan Tan at Lourdes Aclan, publisher ng Headlines News Today at national executive secretary ng Publishers Association of the Philippines.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi nila na ni-reclassify ng Shell ang CCG at LCCG bilang “alkylate” nang hilingin ng noon at customs collector ng Batangas na si Tan ang kabayarang P7.3 billion sa excise tax para sa importasyon ng CCG at LCCG simula 2004 hanggang 2009. Ang kahilingan ay inaprubahan ni Morales.

Kabilang din sa complaint si Shell Chairman Edgar Chua at iba pang unidentified executives ng oil company.

Sinabi ni Aclan na bilang investigative reporter ay magkahiwalayang niyang dinala ang kaso kay dating Presidente Aquino at Purisima, pero parehong walang ginawa ang dalawa para pilitin ang Shell na bayaran ang back accounts na ngayon at may kabuuan nang mahigit sa P100 billion kabilang ang interests at surcharges.

Bilang akmang government officials, sinabi ni Morales na dapat pinilit nina Aquino at Purisima ang Shell na bayaran ang buwis, o kumpiskahin ang oil products kung hinti ito tumalima.

Binigyang diin ni Morales na ang smuggling case na isinampa noong 2011 laban sa PSPC sa ilalim ng Run-After-the-Smugglers (RATS) sa Department of Justice dahil sa umano’y misdeclaration of unleaded gasoline ay hindi pa nareresolba.

Ayon kay Morales, nang dalhin ng Shell ang kaso sa Court of Tax Appeals en banc ay nagdesisyon ang huli pabor sa gobyerno. (Jun Ramirez)