Nagpulong kahapon ang Office of the Vice Mayor, pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) at homeowners association hinggil sa isasagawang “Oplan Tokhang” sa mga subdivision sa lungsod laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Vice Mayor Joy Belmonte, katuwang ang QCPD sa pamumuno ni Director P/Sr. Supt. Guilor Lorenzo T. Eleazar, iniatang sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang chairman ng Quezon City Anti–Drug Abuse Council (QCADAC) ang pagsugpo sa ipinagbabawal na droga sa lungsod.

Sisimulan sa Setyembre 20 ang Oplan Tokhang sa mga subdivision sa buong Quezon City at inaasahan ang pakikipagtulungan ng mga barangay, ani Belmonte.

Nagkaloob ang kanyang opisina ng 143 computer para magamit ng mga barangay bilang data base sa droga. (Jun Fabon)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji