Isusunod na ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, ang pagtugis sa gambling lords.

Sa kanyang talumpati sa 115th PNP Eastern Visayas anniversary nitong Martes, sinabi ni Dela Rosa na bilang na ang araw ng mga ilegal na nagpapasugal.

Kasabay nito, binalaan ni Dela Rosa ang mga miyembro ng PNP na huwag sumawsaw o magbigay ng proteksyon sa gambling lords, upang hindi mapahamak ang mga ito.

Naniniwala si Dela Rosa na kapag sangkot sa illegal gambling ang mga pulis, hindi magtatagumpay ang kampanya ng PNP laban sa nasabing aktibidad. (Nestor L. Abrematea)

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte