Hindi na puwedeng dumiretso at kailangan nang dumaan ng mga dayuhang piloto at flight crew ng mga airlines sa inspeksyon ng Bureau of Immigration (BI) pagdating at pag-alis sa mga paliparan sa buong bansa.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, sinimulan nitong nakaraang buwan ang pagsasagawa ng pormalidad na immigration arrival at departure sa mga airline crew bilang pagpapalakas sa border security operations.

Kung dati ay hindi sinisilip ang pagkakakilalanlan at mga personal na detalye ng mga dayuhang crew ng airlines sa mga Immigration counter, ngayon ay sinisiyasat nang mabuti ang kanilang mga papeles alinsunod sa pamantayan ng International Civil Aviation Organization (ICAO)

“We have to ensure that these alien crewmen are indeed bona fide employees of the airlines they represent and that they are not included in our blacklist of undesirable or wanted aliens,” paliwanag ni Morente.

National

Enrile sa pag-abswelto sa kaniya sa plunder: ‘I knew all along that I will be acquitted’

Sa ilalim ng bagong alituntunin na inilabas ni Morente, ang lahat ng crew ng commercial airlines flight ay kinakailangang pumila sa itinalagang Immigration counter para sa pormalidad ng pagdating at pag-alis at ipakita ang kanilang pasaporte o airline identification card para sa inspeksyon.

Maaaring tanggihan ang pagpasok o iliban ang pag-alis ng isang miyembro ng crew, kung siya ay nasa blacklist, watchlist o hold departure list ng BI. (Mina Navarro)