bea-at-gerald-copy

NATIYEMPUHAN ng aming kaibigan, na kilalang fashion designer na naka-base sa Cebu, sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Ibinalita niya sa amin na sa nasaksihan niyang mga lambingan at yakapan nina Gerald at Bea, hindi siya maniniwala kung may magsasabi man na walang relasyon ang dalawa.

Kuwento ng kababayan namin, nandoon siya sa mismong resort na pinagbakasyunan nina Gerald at Bea dahil nagkataon na ang isa sa mga kasama ng dalawa ay malapit din niyang kaibigan.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

 “Sobrang higpit kung magyakapan ang dalawa at walang pakialam sa mga taong nasa paligid. Porke siguro ang alam nila mga kabarkada nila ang lahat,” sey pa ng source namin.

 Wala namang problema kung nagkabalikan na nga sina Bea at Gerald dahil pareho naman silang unattached at available.

 “Bagay na bagay naman silang dalawa. Dati na rin naman naging sila. Kung meron pang sagabal noon sa relasyon nila, ngayon, eh, wala na siguro,” dugtong pa ng kausap namin.

Nagkuwento rin ang source na ayon naman daw sa kaibigan niyang kasama ng dalawa ay may espesyal na okasyon para sa lakad na iyon sina Bea at Gerald. Malamang daw na may kinalaman sa kung anumang estado ng sinasabing “special friendship” nila sa ngayon.

Maraming fans nina Bea at Gerald ang naghihintay ng kumpirmasyon mula sa kanila at may mga nagsasabi na dapat ay sa huli manggagaling ang balita dahil siya naman ang lalaki, huh! (JIMI ESCALA)