WASHINGTON (AP) — Sa pakiwari ni Michelle Obama ay magiging “tough” o mahihirapan ang kanyang mga anak na lisanin ang White House dahil doon sila lumaki.

Ayon sa first lady, ang pinakamami-miss ng kanyang pamilya ay ang staff dahil tumulong ang mga ito sa pagpapalaki kina Malia, 18, at Sasha, 15. Idinagdag niya na minahal at inalagaan sila ng staff ngunit “the minute we leave, that’s it.”

Ito ang naging komento ng first lady sa paglabas niya noong Martes bilang co-host ng “The Ellen DeGeneres Show.”

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Ayon ka Mrs. Obama sa tingin ng mga bata ay handa na sila, ngunit mahirap iwanan ang lugar na iyong kinalakhan. Kaya naman hinihikayat nila ni President Barack Obama ang kanilang mga anak na “step back” at namnamin ang mga sandali gaya ng paglalakad sa South Lawn o ang pagmasan ang magandang tanawin mula sa Truman Balcony.