RIO DE JANEIRO (AP) – Target ni U.S. wheelchair racer Tatyana McFadden na makapagwagi ng pitong ginto sa Rio Paralympics.

Ngunit, sa 100-meter race, naunsiyami na ang kanyang hangaring makagawa ng kasaysayan.

Nakopo ni Liu Wenjun ng China ang gintong medalya sa 100-meter race sa tyempong 16 segundo, habang tumapos lamang ng silver si McFadden sa 16.13 segundo. Nakuha ni Li Yingjie ng China ang bronze.

“This is one of my hardest races because I’m going from the 100 to the marathon, and so to really focus on this race is quite difficult because I’m going against girls who just do the (100 meters) and the (400 meters) and I knew it was going to be tough because you have team China, who is amazing at the 1 and the 4,” pahayag ni McFadden.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I had a bad start, but my execution was amazing and I really just raced with my heart and took in emotions from the crowd.”

Ipinanganak sa St. Petersburg, Russia, nagtamo ng ‘spina bifida’ si McFadden na naging sanhi ng kanyang pagkaparalisa at sa edad na 6, gumamit na siya ng wheelchair.

Nagsimula siyang sumabak sa Para Games noong 2004 at isa nang 12-time medalist, kabilang ang tatlong gintong napagwagihan niya sa London edition.