Nanawagan si Senator Grace Poe sa Department of Foreign Affairs (DFA) na agad solusyunan ang napakabagal na pagpoproseso ng mga pasaporte na inaabot ng halos dalawang buwan.

Diin ni Poe, matagal na itong problema sa DFA. “Isa ito sa mga problema ng DFA sa loob ng maraming taon na humantong sa naantalang oportunidad sa mga Pinoy na gustong bumisita sa kanilang pamilya sa abroad, sa mga magpapagamot sa labas ng bansa, at sa mga aspiring overseas Filipino workers na kailangan pang maghintay ng matagal upang makakuha ng pangunahing dokumento na kinakailangan ng bawat Filipino sa harap ng globalisasyon,” aniya. (Leonel M. Abasola)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter