PUMANAW na si Alexis Arquette sanhi ng karamdaman na komplikasyon sa AIDS, kinumpirma ng source sa People.
Sumakabilang-buhay ang transgender actress sa edad na 47 noong Linggo ng umaga kasama ang pamilya, pahayag ng kanyang kapatid na si Richmond sa Facebook. (Kinumpirma rin ito ng agent ni Richmond sa isang pahayag sa People noong Linggo). Hindi pa sila nagbibigay ng iba pang detalye tungkol sa naging karamdaman ng aktres.
Nagsimula ang post sa social media sa, “With deepest love, respect and condolences to the Arquette family we wish to share Richmond Arquette’s announcement at the passing of his beloved brother/sister Robert/Alexis. Our hearts are heavy for this wonderful family. They are not simply brought up in fame … they’ve continued to roll up their sleeves to make a difference on this, our planet Earth, with their presence. Each and every one of them has touched our hearts and has been the example of true ‘FAMILY’ at its grandest meaning.”
Patuloy ng pahayag, “Robert/Alexis will continue to be loved as his/her light now resonates throughout the universe as the star we’ve always known him/her to be.”
Bumubuhos ang pag-aalay ng tribute ng pamilya Arquette kay Alexis sa sunud-sunod na emotional post sa social media, pati na rin ang iba pang celebrities.
“Thank you all for your love and kind words about Alexis,” saad ng kapatid ni Alexis na si David Arquette sa caption sa kanilang larawan sa Twitter. “My hero for eternity.”
Ipinanganak na Robert Arquette, nagsimulang umarte si Alexis sa edad na 12 at nakakuha ng roles sa Bride of Chucky, Of Mice and Men, at The Wedding Singer bago nai-document ang kanyang pagbabago bilang babae noong 2007 sa pelikulang Alexis Arquette: She’s My Brother. (People.com)