Kahit regular holiday sa Pilipinas, bukas ngayon ang tanggapan ng Non-immigrant Visa Unit ng U.S. Embassy sa Maynila.

Nakasaad sa inilabas na advisory ng U.S. Embassy sa Facebook account nito, ang lahat ng visa appointments ‘will proceed as scheduled.’ Kaya’t ang mga aplikante sa Immigrant Visa na naka-schedule ngayong Hulyo 12 ay kailangang magtungo sa embahada para sa kanilang interview.

Nilinaw ng U.S. Embassy na tumatalima sila sa Proclamation No. 56 o paggunita sa Eid’l Adha ng Malacañang gayunman nais nilang matiyak ang “highest level of customer service” kaya ang Immigrant Visa Unit ay mananatiling bukas para sa interview at iba pang serbisyo.

Sakaling may emergency, maaaring tawagan ang Duty Office sa 301-2000 o mag-email sa [email protected]. - Beth Camia
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador