Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang shipment ng mga karne ng pating at butanding na nagmula pa sa Tawi-Tawi, isa sa limang lalawigan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa nakalap na impormasyon ng PCG, lulan ng ferry na M/V Kerstin na dumaong sa Port of Zamboanga kamakalawa ang dalawang malalaking kahon na punung-puno ng mga pating at palikpik ng mga ito.

Nagulat pa ang mga tauhan ng Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources nang makita ang mga karne ng butanding.

Isang lalaki ang iniimbestigahan matapos nitong tangkain na kunin ang mga kahon. Mahigpit na ipinagbabawal ang paghuli at pagkatay sa butanding at mga pating.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi naman mabatid kung paano nakalusot ang kargamento sa Coast Guard sa Tawi-Tawi at ni hindi man lamang ito natunugan ng Coast Guard sa Sulu nang dumaong ang barko sa bayan ng Jolo, bago dumiretso sa Zamboanga. - Beth Camia