mark-at-megan-copySA huling dalawang linggo ng GMA hit comedy series na Conan My Beautician, isa-isang mabubunyag ang katotohanan.

Ngayong hapon, malalaman na ng mga magulang ni Ava (Megan Young) na nagpapanggap lang na magkasintahan sina Conan (Mark Herras) at ang anak nila. Mabubunyag din na si Conan ay taga-probinsya at nagtatrabaho sa parlor bilang beautician.

Hindi na kakayanin pa ni Conan kaya ihahayag na niya na ang buong katotohanan. Aaminin na rin niya kay Ava na hindi siya tunay na bading at may feelings siya rito. 

Samantala, sasali sa hairstyling competition ang mga beautician para isalba ang Salon Paz. Pero kasabay ng kanilang pagkapanalo, malalagay naman sa panganib ang buhay ni Ava dahil kay Chika. Masagip pa kaya nila si Ava?

Tsika at Intriga

Moira Dela Torre, pinakawalan na ng management dahil sa attitude problem?

Huwag palampasin ang exciting episode na ito ng Conan My Beautician ngayong Linggo, 5 p.m. sa GMA-7.