Ni JEFFREY G. DAMICOG

Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na malinaw ang mensaheng hatid sa mga sangkot sa droga ng pagpapataw ng hatol kamakailan sa leader at mga miyembro ng isang drug syndicate na naaresto sa Subic noong 2013 at nakumpiskahan ng P2 bilyon, shabu sinabing isa itong malaking tagumpay sa kampanya ni Pangulong Duterte laban sa droga.

“This is a major victory in the President’s War on Drugs. It sends a chilling effect to all involved in the drug trade in the country,” saad sa pahayag ni Aguirre.

Hinatulan nitong Biyernes ni Judge Raymond Viray, ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 75, ng habambuhay na pagkabilanggo at pagmumulta ng P1 milyon bawat isa ang leader ng Chin drug group na si Alfred Chin at si Romeo Manalo, makaraang mapatunayang guilty sa pagbebenta ng droga.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinentensyahan din ng life imprisonment dahil sa pag-iingat ng droga ang apat pang kasabwat nina Chin at Manalo na sina Joselito Escueta, Coronel Disierto, Dennis Domingo, at Emmanuel Tobias.

Tinawag na isa sa pinakamatatagumpay na drug bust sa Pilipinas, Agosto 11, 2013 nang masamsam mula sa isang bahay sa Subic ang mahigit 432 kilo ng shabu, na nakalagay sa 22 malalaking gym bag at balikbayan box.

“We have sent a very strong warning and message to all who are involved. Deal with drugs and you will find neither refuge nor respite from the law. We will be relentless in pursuing you. We will be relentless in prosecuting you,” sabi ni Secretary Aguirre.