Sisimulan ng National University ang kanilang three-peat bid sa pagsagupa sa Far Eastern University-Diliman sa pagbubukas ng UAAP Season 79 high school volleyball tournament sa Adamson University Gym.

Magsasagupa ang Junior Lady Bullpups at ang Junior Lady Baby Tamaraws sa pambungad na laro ganap na 7:30 ng umaga.

Susundan ito ng salpukan ng last season’s runner-up University of Santo Tomas at University of the Philippines Integrated School ganap na 9:00 ng umaga bago ang tampok na laro sa pagitan ng De La Salle-Zobel at University of the East ganap na 10:30 ng umaga.

Liyamado ang NU dahil sa presensiya ni Season 77 MVP Faith Nisperos, last year’s Rookie of the Year winner Thea Gagate, Sheena Toring at ace setter Joyme Cagande.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Inaasahan na magbibigay ng matinding hamon sa Junior Tigresses sina reigning MVP Eya Laure,setter Maji Mangulabnan, Imee Hernandez at Det Pepito.

Naka bye naman ang event host Adamson University sa opening day .

Samantala, sa boys division, magtutuos ang titleholder NU at UE sa rematch ng nakaraang taong Finals ganap na 4:30 ng hapon.

Susundan ito ng tapatan ng De La Salle-Zobel at FEU-Diliman ganap na 12:00 ng tanghali at ng Ateneo-UST game ganap na 1:30 ng hapon bago ang huling laro sa pagitan ng UPIS at Adamson ganap na 3:30 ng hapon. (Marivic Awitan)