Idineklara ng Malacañang na regular holiday ang Setyembre 12, Lunes, bilang pag-obserba sa Eid’l Adha o taunang feast of sacrifice ng Muslim.

Ang holiday ay nakapaloob sa Proclamation No. 56 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre 5, base na rin sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos.

Ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang ‘greatest feast’ ng Islam, at isineselebra bilang regular holiday base sa Republic Act No. 9849.

Ang isa pang regular holiday ay ang Eid’l Fitr na idinaos noong Hulyo 6, kung saan inobserbahan ang pagtatapos ng Islamic holy month ng Ramadan.

Sen. Bato, iginiit na hindi convicted criminal si Lopez para ilipat sa Women's Correctional

Sa Eid’l Adha, ginugunita ang araw kung saan ipinakita ni prophet Ibrahim ang walang pagtutol na isakripisyo ang kanyang anak, base na rin sa kautusan ng Diyos. Sa kasalukuyan, nagsasakripisyo ng hayop ang mga Muslim sa buong mundo at iniaalay kay Allah. (Beth Camia)