VP Leni copy

HINDI pinalampas ng mga nagmamahal kay Vice President Leni Robredo ang huling patutsada sa kanya ni Mocha Uson. Matandaang sa isang speaking engagement ay may sinabi si VP Leni na may kakulangan pa rin tayo ng rehabilitation centers.

Sa totoo lang naman, ‘yun, huh!

Biglang umeksena at nag-post na naman itong si Mocha at nagsermon na dapat daw sa ibinotong bise presidente ng Pilipinas ay tumulong na lang at hindi ‘yung pasyal lang nang pasyal sa kung saan-saan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang feeling yata ng sexy star ay naghahanap lang ng publisidad ang mahusay at masipag na bise presidente.

Kaya hayun, kahit ayaw ni VP Leni na nakikipagsagutan ang supporters niya, ipinagtanggol siya ng followers niya at pinangaralan si Mocha sa mga komento sa social media.

Ayon sa isang netizen, si Mocha raw ang naghahanap ng atensiyon at sa mga sinasabi ay baka nakakalimutan nito na siya pa tuloy ang napapasama at nadadamay pa tuloy ang ipinagtanggol niyang si Pres. Duterte. 

“Daming sinasabi nito si Uson. Di niya alam na mga taong katulad niya nagpapasama sa image ng presidente,” banggit ng isang netizen. 

Ayon sa isa pang tagasuporta ni VP Leni, ang lakas ng loob ni Mocha na kumuwestiyon sa bise presidente. Baka raw nakakalimutan daw ni Uson ang marami nang nagawa ni VP Robredo noong nanungkulan pa ito bilang congresswoman. 

“Nakakahiya naman ‘yung sinasabi ninyong papasyal-pasyal hard at work sa pag-streamline at pag-cut ng red tape para makakuha ang mga Pilipino ng pabahay.

Ang galing ngang pumuna pero pag may dapat namang i-criticize sa kasalukuyang administrasyon tikom ang bibig. For supporters of both Duterte, LP at kung sinumang politiko, sana iangat natin ang antas ng pagiging kritiko. Kaya nagkakaganito ang bansa, eh,” sey ng isa pang supporter ni VP. (Jimi Escala)