NEW YORK (AP) — Hindi imortal sa mundo ng tennis si Serena Williams. Ngunit, sa idad na 35, patuloy ang paghabi niya ng kasaysayan sa Grand Slam sa Open era.
Tinanghal ang American tennis icon na kauna-unahang player sa Open era na nakapagtala ng 308 panalo sa Grand Slam tournament – higit pa sa naitala ng mga naunang superstar, gayundin sa men’s single class.
“I don’t know. We’ll see,” pahayag ni Williams, patungkol sa katanungan kung hanggang kailan ang kanyang katatagan kumpara kay Roger Federer sa on-court interview matapos idispatsa si Yaroslava Shvedova, 6-2, 6-3, nitong Lunes (Martes sa Manila) para makausad sa quarterfinals ng US Open tennis championship sa Flashing Meadows.
“Hopefully we’ll both keep going,” aniya.
“I know I plan on it. I know he does. So we’ll see.”
Tangn ni Federer ang Grand Slam win record na 307.
Naitala ni Williams ang unang panalo sa Grand Slam tournament sa edad na 16 nang gapiin si Irina Spirlea, 6-7 (5-7), 6-3, 6-1, sa first round ng Australian Open noong Enero 19, 1998. Nakamit niya ang unang kabiguan sa major tournament sa naturang torneo laban sa nakatatandang kapatid na si Venus.
“It’s a huge number. I think it’s very significant, actually. I think it’s something that just really talks about the length of my career, in particular. I’ve been playing for a really long time. But also, given that consistency up there — that’s something that I’m really proud of.”
Hindi naman pinalad si Venus na nabigo kay 10th-seeded Karolina Pliskova ng Czech Republic, 4-6, 6-4, 7-6 (3). Sa edad na 36, target niyang maging unang pinakamatandang player na makalalaro sa quarterfinals ng Grand Slam event mula nang magawa ni Martina Navratilova noong 1994 Wimbledon.
Nakumpleto naman ng 18-anyos na si Ana Konjuh ng Croatia ang kampanya na maging pinakabatang player na makalalaro sa quarterfinals ng US Open nang sorpresahin ang No. 4 seed na si Agnieszka Radwanska, 6-4, 6-4.
“I just said to myself, ‘Stay in the game. Don’t rush,’” pahayag ni Konjuh, junior champion dito noong 2013.