Mas matibay umano si Pangulong Rodrigo Duterte kaysa kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, kaya’t kayang-kaya ng una ang laban sa terorismo at kaguluhan.

Sa press briefing sa Mababang Kapulungan, sinabi ni Arroyo na “President Duterte is a much stronger leader than I am.

If I can handle them, he can handle them better.”

Ipinaalala ni Arroyo na noong 2006, nagdeklara rin siya ng state of emergency at state of lawlessness naman noong 2003.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Noong panahong iyon, itinalaga ni Arroyo si Duterte, noo’y Davao mayor, na pangasiwaan ang sitwasyon sa Mindanao.

Mahusay naman umanong naisakatuparan ni Duterte ang kanyang misyon.

Nagdeklara ng state of emergency si Arroyo noong 2006 dahil sa tangkang kudeta, samantala state of lawlessness naman matapos ang terror attack sa Davao noong 2003, kung saan 38 katao ang nasawi at halos 100 naman ang nasugatan.

(Ben R. Rosario)