BANGKOK -- Hindi lang isa, kundi daIawang Pinoy fighter ang may pagkakataong makasungkit ng world title ngayong taon sa ONE Championship.

Isang linggo matapos ipahayag ng pamosong MMA promotion sa Asia ang nakatakdang laban ni Team Lakay star Edward ‘The Landslide’ Folayang sa ONE lightweight title kontra Shinya Aoki ng Japan, inihayag ng ONE na isa pang pambato ng Team Lakay ang sasabak sa kampeonato.

Sa fight card ads ng ONE Championship sa kanilang website at Facebook page, binigyan ng pagkakataon ang sumisikat na si Joshua Pacio para sa ONE strawweight championship kontra Yoshitaka Naito ng Japan.

Sa unang dalawang laban ng 20-anyos na si Pacio, naitala niya ang impresibong second round knockout at first round submission win.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa kabuuan ng kanyang 12 professional bout, hindi pa natatalo si Pacio at ang laban sa ONE title fight ang inaasahang pinakamatinding niyang laban sa MMA career.

Dating Shooto strawweight champion si Naito na mayroong ding 12-0 karta tulad ni Piccio.