Pinaglaruan ng Pilipinas U18 baseball team ang Indonesia sa loob ng pitong inning para itala ang 21-2 panalo at magkaroon ng tsansa sa mas mataas na puwesto para sa non-semifinalist ng 11th Baseball Federation of Asia (BFA) Boy’s Under-18 Championship nitong Biyernes sa Taichung Stadum sa Taichung, Taiwan.

Kinumpleto ni Jackson Acuna ang pag-pitched sa game matapos magbigay ng two hits sa four runs at naka-strike out ng lima sa pagbalikat sa mga Pilipino sa pagtala ng panalo.

Pinagpatuloy naman ni Fausto Eizmendi ang kanyang hitting streak para sa Phil. IX sa pagtatala ng perfect five-for-five kontra Indonesians at nakatig-tatlong RBIs at runs.

Sa kabuuan, nakapagpatama ang Pinoy batters ng 21 ulit sa bat, tampok ang home three runners na sina Hawkins Hodges at Jerome Tenorio na mga nakapasok sa plate nang dalawang ulit.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

May four home runs pa si Diniel Bautista, at nakadalawang RBIs si Jameson Esparas. (Angie Oredo)