TOM copy copy

KABILANG si Tom Rodriguez sa mga artista na willing magpa-drug test para malaman ng publiko at ng kanyang fans na hindi siya gumagamit ng illegal drugs.

“Of course! Yes! I am very much willing in support of President Duterte’s campaign of a drug-free Philippines at linisin ang bansa natin. Pero dapat pare-pareho, dapat standardized at dapat be careful para walang magreklamo,” pahayag ni Tom.

Walang bisyo si Tom maliban sa magtrabaho nang magtrabaho, lalo na ngayong kailangan niyang mag-ipon para sa treatment ng amang may lung cancer. Idagdag na rin ang pag-iipon niya para sa bahay na gustong bilhin sa Subic for his parents.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Kaya sobrang thankful ako sa GMA-7 dahil sa mga trabahong ibinibigay sa akin. May drama series ako na Someone To Watch Over Me na pilot na sa September 5 at may #Like ako na (umere na kahapon, after Eat Bulaga). Ang dapat ko lang gawin ay hindi mapagod at hindi ma-low batt,” sabi ni Tom.

Kasama ni Tom sa #Like na ang tawag ay show ng Internet sensations si Balang. Tinuturuan daw siyang mag-zumba ni Balang at dahil napapasayaw, nawala na ang malaki tiyan niya.