Bibigyan ng scholarship assistance ng simbahang Katoliko ang anak ng 128 overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia na bumalik sa bansa nang mawalan ng trabaho ang mga ito sa nasabing lugar.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto C. Santos, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI), ang educational assistance ay igagawad hanggang makatapos sa kolehiyo ang mga iskolar.

“The Church promises to look after the welfare and help ensure that the children of the returning OFWs continue their schooling. The CBCP- ECMI as well as Diocesan Catholic Schools will set up a scholarship program for this purpose,” ayon kay Santos.

“The Church also continues to provide our OFWs and their families with spiritual formation and counselling until they get over their situation,” dagdag pa nito.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Kamakailan lang, binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng P5,000 ang bawat 128 OFWs na ibinalik sa bansa. Umaabot pa sa 11,000 OFWs na walang trabaho sa Saudi ang nakatakda pang iuwi sa bansa. (Christina I. Hermoso)