Setyembre 4, 1972 nang maiuwi ni Mark Spitz ang unang pitong gintong medalya sa isang single Olympic Games edition, sa Munich sa noon ay West Germany.
Nilangoy niya ang butterfly leg ng 400-meter medley relay, at tinulungan ang American team na masungkit ang world record ng tatlong minuto at 48.2 segundo. Itinala rin ni Spitz ang mga bagong world record sa ibang events.
Inihayag niya ang pagreretiro ilang araw matapos ang Munich games. Ngunit sa unang bahagi ng 1990s, sinubukan niya ngunit siya’y nabigo na mag-qualify para sa isang puwesto sa American Olympic swimming team.
Ipinanganak si Spitz noong 1950, at nagsimulang sumailalim sa pagsasanay para sa competitive swimming sa edad sa anim. Una siyang nanalo sa isang Amateur Athletic Union championship sa edad na 16, at nasungkit ang limang gintong medalya sa Pan-American Games ng sumunod na taon. Taong 2008, nahigitan ni Michael Phelps ang record ni Spitz.