Umaasa ang migrants group na mabibigyan ng clemency si Mary Jane Veloso sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Indonesia sa Setyembre 8 at 9.

Sa panayam kay Migrante International Chairperson Garry Martinez, sinabi nito na umaasa sila na ang pagbisita ni Duterte sa Indonesia ay magreresulta sa pagkakaalis sa death row kay Veloso, hinatulan sa kasong drug trafficking noong 2010.

“Ang gagawing pagbisita ng Pangulo ay nagpapakita ng political will at sincerity, kaya nanalangin kami na mabibigyan ng clemency si Veloso para tuluyan na nitong makapiling ang kanyang pamilya,” wika ni Martinez.

Bibisita muna ang Pangulo sa Brunei at dadalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Laos bago tumuloy sa Indonesia. (Beth Camia)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter