TATANGGAP ang Asian superstar na si Jackie Chan ng honorary Oscar, ayon sa Academy noong Huwebes, para kilalanin ang matagumpay at makulay na career niya na naghatid sa kanya sa pagiging cultural icon.
Lumabas sa mahigit 150 pelikula ang 62-year-old martial artist, na nakilala sa mga nakakatawa at nakakamanghang fight scene, simula nang maging child actor sa Hong Kong noong 1960s.
Pararangalan din ang film editor na si Anne Coates, casting director na si Lynn Stalmaster, at documentary filmmaker na si Frederick Wiseman ng Oscar statuettes sa 8th Annual Governors Awards ng Academy sa Nobyembre.
“The honorary award was created for artists like Jackie Chan, Anne Coates, Lynn Stalmaster and Frederick Wiseman — true pioneers and legends in their crafts,” ani Cheryl Boone Isaacs, presidente ng Academy.
Dumating ang Hollywood breakthrough ni Chan sa pelikulang Rumble in the Bronx noong 1996, at naging global star sa mga pelikulang Rush Hour, Shaghai Noon, The Karate Kid, at Kung Fu Panda.
Nanalo si Coates, 90, na nakatira sa England, para sa kanyang trabaho sa Lawrence of Arabia ni David Lean at sa loob ng mahigit 60 taon bilang film editor ay nakatrabaho na niya ang mahuhusay na direktor sa industriya.
Nagsimula si Stalmaster, 88, one-time stage at screen actor mula Omaha, Nebraska, na maging castig director noong 1950, at nag-sign up ng mga talent sa mahigit 200 pelikula, kabilang ang The Graduate, Deliverance, at Tootsie.
Kabilang sina Lauren Bacall, Francis Ford Coppola, Oprah Winfrey, Angelina Jolie at Spike Lee sa mga nauna nang tumanggap ng honorary Oscars. (AFP)