Dumating na sa bansa si IBF world super flyweight champion McJoe Arroyo ng Puerto Rico para sa kanyang title defense kontra Pinoy challenger Jerwin Ancajas, ayon sa pahayag ni Joven Jimenez, manager ng Pinoy fighter.

Ito ang unang pagdepensa ni Arroyo (17-0, 8 KO) sa titulo na napagwagihan niya via 10th round technical decision laban kay Pinoy Arthur Villanueva ng ALA Promotion noong Hulyo 18, 2015 sa El Paso, Texas

Itataya naman ni Ancajas ang kartang 24-1, tampok ang 16 KO.

Kung may paghahambing sa dalawa , ito’y ang kapwa nila pagsabak kay Pinoy fighter Mark Anthony Geraldo. Nabigo si Ancajas, dating WBO Youth Asia-Pacific super flyweight titlist, kay Geraldo via majority decision noong 2012 sa Lapu-lapu City, Cebu, habang nagwagi si Arroyo kay Geraldo via unanimous decision sa Puerto Rico noong 2014.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Hawak ng 24-anyos na si Ancajas ang 10-bout winning streak, kabilang ang panalo kina Xu Runlong ng China (2012), Thai Inthanon Sithchamuang (Tanawat Phonnaku) at Fadhili Majiha ng Tanzania (2014).

Gaganapin ang duwelo sa Philippine Navy Gymnasium (Jurado Hall) ng Philippine Marine Corps sa Fort Bonifacio, Taguig City sa Sabado.