Inihayag kahapon ng Malacañang na sa tulong ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, Jr. ay sisikapin ng gobyerno na mabigyan ito ng konsiderasyon para hilingin ang pagpapalaya sa pitong overseas Filipino worker (OFW) na halos 11 taon nang nakakulong sa magkakahiwalay na piitan sa Kingdom of Saudi Arabia.

Tatlo sa pitong Pinoy na ito ay nasa death row.

Sa isang pahayag, sinabi ng Malacañang na ito ang tiniyak ni Yasay sa pamilya ng pitong OFW, na pawang taga-Pampanga, nang bumisita ang kalihim sa lalawigan nitong weekend.

Kasama ni Yasay si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal Arroyo nang humarap sa mga pamilya ng mga nakabilanggong OFW.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Si Pangulong Duterte ang nakatakdang makipag-usap sa pamilya ng pitong OFW ngunit nakansela ang pagbisita ng Presidente sa Pampanga nitong Linggo dahil sa masamang panahon.

“While the government can’t give the families hope in so far as the immediate release of the OFWs is concerned, Yasay urged the families to continue to seek for the Lord’s intervention,” saad sa pahayag ng Malacañang.

Bagamat ipinaliwanag na nasa hurisdiksiyon ng gobyerno ng Saudi ang pagpapalaya sa pitong Pinoy, sinabi ni Yasay sa pamilya ng mga ito: “Papabilisin po natin ang process. Hihingi tayo ng permiso sa king (King Salman) through the Saudi Ambassador.” (Elena L. Aben)