Beyonce at Blue Ivy copy copy

MISTULANG sanay na sanay na si Blue Ivy Carter kapag naglalakad sa red carpet. Sinamahan ng 4-year-old ang kanyang inang si Beyoncé, sa white carpet ng MTV Video Music Awards nitong Linggo.

Kabilang ang mag-ina sa maagang nagsidatingan sa Madison Square Garden sa New York City noong Linggo ng gabi. At hindi nila binigo ang mga tao sa kanilang coordinated angelic ensembles. Suot ni Bey ang gawa ni Francesco Scognamiglio na may fur wings, samantalang si Blue ay nakasuot naman ng tulle dress with a train at nakasuot ng korona.

Isinama rin ng music superstar ang mga ina nina Trayvon Martin (Sybrina Fulton), Eric Garner (Gwen Carr), Oscar Grant (Wanda Johnson), at Michael Brown (Lesley McSpadden) sa event.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

May history ang little blue sa VMAs, na nakakatuwa dahil nasa edad 4 pa lamang siya. Noong 2014, pinarangalan si Bey ng Vanguard Award at si Jay Z ang nagbigay ng award habang buhat-buhat si Blue. Nagsama sa stage ang magkakapamilya para sa perfect photo op.

Ito ang pangalawang paglalakad ni Blue Ivy sa red carpet. Noong Hunyo, sinamahan niya ang kanyang mga magulang sa CFDA Awards nang tumanggap ng parangal si Beyoncé. Naging memorable ang appearance ni Blue dahil nakipagkamay siya sa paparazzi habang papasok sa event. (Yahoo Celebrity)